Nov 16 2007

lensantiago

WALANG PAMAGAT

Posted at 9:54 pm under Uncategorized

Ang hirap ng nararamdaman ko, di ko maipaliwanag ang iisipin ko… Ang masama pa nito naaawa ako sa sarili ko. Pakiramdam ko ginagawa ko ang lahat para pagsilbihan at pagbigyan ang iba ngunit ang mga nais ko di ko magawa. Bakit nga ba? Kasi ako ang tipo ng tao na madaling ibuhos ang sarili at lakas sa mga nakakasalamuha ko… madali akong magbigay ng isang daang porsiyento o higit pa sa kahit na anong bagay. Ano kaya tawag dun? Nagrereklamo ako pero patuloy akong gumagawa at umaasa na darating ang panahon lahat ng ito me kabuluhan. Nakakalungkot lang kasi iniisip ko ano pa ba ang di ko nagagawa para sa kanila? Ano pa ba pwede ko gawin para mapansin din? Tama bang tanggapin ko na lang ang lahat para madali ang pag-angat? Haaayyy… ang sakit ng puso ko! Madalas na ituran ko ng pabiro para matabingan ng pagkukunwari ang naglalamlam kong pag-asa… ang mga inaasahan kong di nagkaron ng kaganapan patuloy na nilalamon ng dilim, palayo sa kaganapan ng mga mithiin.

Ayokong umalis pero ayoko ding magtagal… ayokong me masaktan pero ayoko ding masaktan… ayokong me masambit na di tama pero di ko kayang manahimik at itikom ang bibig, magsuot ng maskarang magtatago sa tunay kong nararamdaman… ayokong me maramdamang inggit kahit harapan kong nakikita… ayokong maramdaman ang nararamdaman ko pero tao akong nasasaktan at me pakiramdam… Ayokong tumingin sa dumi ng iba dahil alam kong me sarili akong batik… Ayoko ng umasa dahil labis ang sakit… pero sabi ng puso ko patuloy akong kumapit sa pag-asa kasi yun na lang ang natitira…

Matatapos na ang taon, hudyat ng dagdag ng taon sa buhay ko. Susuriin ang nagdaang taon. May natapos ba ako? May pagbabago ba sa buhay ko? Meron naman… marami… Kung titingnan ko ang nagdaang taon di man naging mabunga ang mga sinimulan ko taas noo kong sasabihin sa kahit sinong di ako nagkulang sa inyo. Ibinigay ko ang kahulihulihan kong lakas para sa mga taong may kinalaman sa buhay at pagkatao ko. Haharapin ko ang susunod na taon at itutuloy ang mga plano ko ng nagdaang taon. Sa pagdating ng takipsilim sa aking buhay nais kong me balikan sa aking mga alaala na ito ang buhay ko… ganito ako nagtagumpay… ganito ako humarap sa kabiguan… ito ang mga pasakit ko… ito ang mga mithiin ko… di man nagkaron ng kaganapan… libre namang umasa e…

2 responses so far




2 Responses to “WALANG PAMAGAT”

  1.   lemonon 28 Nov 2007 at 10:39 pm 1

    ate nman…
    napakarubdob nman..
    di halos maarok ng aking balintataw…
    ni di maaninag kahit pa gaano ko pakaisipin… HAHAHA!!! ANG GALING!!!
    NAPAKAGANDA!!!
    NAGBUHAT TALAGA SA PUSO NI “LEN SANTIAGO”!!!!!
    HEHEHE!!!
    ASTIG!!!!

  2.   chrison 20 Jan 2008 at 3:25 am 2

    nakarelate ako maski di ako working mom, am more than that…huhu

Comments RSS

Leave a Reply