Dec 23 2008
Panalangin sa taong darating…
Panginoon, nagpupri at nagpapasalamat po kami sapagkat ikaw lamang po ang aming Diyos at tagapagligtas. Maraming salamat po sa kalakasan na inyong ibinibigay para malabanan ang kinakaharap ng aming bansa. Tunay nga po Panginoon na sadyang pinagpala ang ang aming bansang Pilipinas sa kabila ng krisis na hinaharap ng buong mundo. Nakangiti naming hinaharap ang bawat hamon at umaasang magtatapos din ang lahat. Tunay nga po Panginoon na naging sandalan namin ang inyong pagmamahal sa amin. Panginoon hipuin mo po ang mga taong nagdudulot ng mga bagay na nakapagpapahirap sa aming lahat. Papagalabin nyo po sa kanilang mga puso ang pagiging matuwid at paglilingkod ang syang unahin. Patawarin mo po kami sa aming patuloy na pagkakasala sa yo Panginoon. Tanggapin mo kaming muli sa iyong kaharian.
PARA SA BAYAN
Tunay nga po Panginoon na naguumapaw ang inyong pagpapala sa aming bayan, sa kabila ng mga rebolusyong nagaganap sa ibang lugar nanatiling matahimk ang aming bansa. Malaman po sana ng bawat isa na ang sagot sa lahat ng ito ay pagkakaisa, pagakakapantay-pantay, pagmamahal at pananalig sa inyo. Panginoon hipuin mo po ang mga taong nagdudulot ng mga bagay na nakapagpapahirap sa aming lahat. Papagalabin nyo po sa kanilang mga puso ang pagiging matuwid at paglilingkod ang syang unahin.
PARA SA AKING PINAGLILINGKURAN
Itinataas ko po Panginoon ang kumpanyang aking pinapasukan, nawa’y bigyan mo sila ng tuloy-tuloy na pagpapala. Maraming pong umaasa sa kanilang kabutihang loob Panginoon. Kalakasan ang aking nais para sa kanilang buong pamilya. Nawa’y wag silang magsawang gumawa ng paraan para matulungan ang bayang ito. Patuloy mo pong bigyan ng kasagutan ang kanilang mga katanungan. Patuloy po silang maging mahinahon sa aming mga empleyado. Salamat po Panginoon at pinagtagpo nyo po aming landas tunay nga po na isa sila sa mga biyaya na lagi naming pinagpapasalamat.
PARA SA AKING PAMILYA
Magpatuloy nawa ang pagmamahalan at pagmamalasakit sa isa’t isa. Magtulungan kung kinakailangan. Itinataas ko din panginoon ang kanilang kalusugan panginoon. Iligtas mo po sila sa anu mang sakuna at bantayan naawa po sila Panginoon ng inyong mga alagad sa Araw-araw.
PARA SA AKING MGA ANAK
Panginoon, Ilayo nyo po sila sa anu mang makakasakit sa kanila. Lumaki po sana silang naniniwala sa inyo at laging nasa ilalim ng inyong pagpapala. Patuloy po silang malusog sa pagpasok ng taon.
PARA SA AKING KABIYAK
Itinataas ko po sa inyo ang kalusugan ng aking asawa panginoon. Lagi nyo po syang babantayan sa kanyang mga lakad. Nawa’y patuloy na maging maayos ang aming relasyon. Papagalabin mo po ang pagmamahalan na sinumpaan namin sa harap mo. Patuloy kaming lumapit sa inyo sa taong darating. Buhayin muli ang aming relasyon sa inyo aking Panginoon at tagapagligtas. Dalagin ko po ang inyong pag-alalay sa aming mga desisyon sa ikabubuti ng aming pamilya.
PARA SA AKING SARILI
Patuloy mo po sana akong pagpapalain sa darating na taon. Hiling ko po’y pagmamahalan para sa aking mga mahal sa buhay. HUwag silang magkakasakit at maging masaya at payapa ang aking taon kasama ang mga taong may kaugnayan sa aking buhay. Maging mas mahinahon at maging mas masipag po sana ako sa taong darating aking Ama. Alam po namin na magiging mahirap ang taong darating, kayo na po ang bahala sa amin.
Itinataas ko po ang lahat ng ito sa banal na pangalan ng Diyos… AMEN
No responses yet